@JohannaBautista
Wikang Filipino Tungo Sa Pagbabago
Linggo, Agosto 27, 2017
Paano Nagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Ang ating wikang Pambansa ay nagbibigay ng pagbabago sa ating pamumuhay, at pakikipagkapwa o pakikisalamuha..
Ang ating wikang pambansa ay di lamang pinapadali ang ating pamumuhay binabago o pinapa-unlad din nito ang ating pakikipagkapwa bilang isang indibidwal upang tayo ay pagkaisahin bilang isang mamayang Pililipino na ang pangunahing wika ay ang wikang Filipino.
Paano Nakapagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Ang Wikang Filipino ay nakapgbibigay ng pagkakaintindihan ng mga mamamayan. Dahil sa pamamagitan ng pagkakaintindihan nagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pagbabago. At pag ang pagbabago ay nagtuloy tuloy magiging mas mabuti ang dulot ng pagbabago sa ating bansa.
@EllenTengeg
Paano Nakapagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Ang wika'y nakapagbibigay ng pagbabago dahil ang wika ay may kakayahang magpahayag ng opinyon ng tao. Ito rin ang nagiging daan upang mapag-isa ang mga iba't ibang kultura. Ito ay may malaking epekto sa tao at sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay. Susi ito sa pagkakaisa at bagong paraan ng pag-unlad dahil ang wika ang malakas na simbolismo ng pagiging makabayan.
@LeeSoriano
Paano Nakapagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Ang Wikang Filipino ay nagbibigay ng pagkakaintindihan sa bawat Pilipino. at pag may Pagkakaintindihan nagbibigay ng isang layunin, pag-asa at higit sa lahat pagkakaisa sa bawat mamamayang Pilipino. Kung may Pagkakaisa at Pagkakaintindihan nagbibigay ito ng daan para sa pagbabago ng ekonomiya at kapayapaan ng bawat mamamayang Pilipino.
@KieronDaliling
Paano Nagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Ang Wikang Filipino ay nagbibigay ng pagbabago sa paraan na mas nakikita ang ating pag-unlad tulad sa media, na kapag nagkakaroon ng pagbabago sa wikang Filipino ay ipinapakita nito ang pag-usbong ng wika natin. sa pag dating ng panahon at nakatutulong ito sa pag-unlad natin, gaya sa pakikipag komunikasyon kung saan hindi na malalalim na salita ang gamit na mahirap intindihin at napapadali ang pagkakaintindihan kahit magkaiba ang kultura ng bawat isa. ipinapakita din nito ang pag-unlad ng ating bokabularyo kung saan gumagamit gumagamit tayo ng akronym upang paikliin ang mahahabang salita.
@SarahCampiwer
Paano Nagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Para sa aking Opinyon, sa pamamagitan ng Wikang Filipino nagkakaroon ng tulay ang bawat isa. nang dahil dito nagkakaroon ng pagbabago tungo sa pag-unlad ng bansa. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa.
@YuvalDannang
Paano Nagbibigay ng Pagbabago ang Wikang Filipino?
Sa pamamagitan ng Wikang Filipino nagkakaroon ng pagkakaisa at pagbubuklod buklod sa mga Pilipino kaya nagkakaroon ng pagbabago at pag-iiba ng estado ng ekonomiya at dito rin natuto na magkaisa ang mga Pilipino.
@LykaDana
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)